Ni Rommel P. Tabbad

Walang namumuong bagyo o low pressure area (LPA) sa labas at loob ng Philippine area of responsibility (PAR) sa kabila ng pag-ulan sa Metro Manila nitong nakalipas na dalawang araw, sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Asministration (PAGASA).

Ipinaliwanag ni PAGASA weather specialist Samuel Duran na ang naranasang pag-ulan ay bunsod ng tinatawag na localized thunderstorms.

Zeinab, mas iba ang ganda ngayon dahil may 'dilig' na tama

Normal lamang aniya ang nasabing pag-ulan, na pinalala ng easterlies na nagdudulot ng maalinsangang panahon, hindi lamang sa Metro Manila, kundi pati na rin sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Bukod sa National Capital Region (NCR), nakaranas din ng pag-ulan ang ilang bahagi ng Bulacan, Southern Luzon, Visayas at Mindanao.