Mula sa Cover Media
HINILING ni Drake sa judge na pagbawalan ang music producer na si Detail na magpakita ng ebidensiya mula sa social media sa kanyang nakatakdang assault trial.
Naglunsad si Detail, tunay na pangalan ay Noel Fisher, ng legal action laban sa Hotline Bling star noong Hunyo, 2016, dahil sa umano’y pag set up ni Drake sa kanya, nang minsan ay imbitahan siya nito sa property nito sa Calabasas, California, para lamang bugbugin ng bodyguard ni Drake, na pinangalanang si Chubbs.
Inihayag ng producer na nabasag ang kanyang panga sa iniulat na bust-up at kinailangan niyang sumailalim sa ilang surgery. Sinabi rin niyanga ng insidente ay paghihiganti nito para kay Fisher, dahil sa hindi nito tinanggap ang offer para maging executive producer ng kanta ni Drake.
Humihingi siya ng danyos sa mga pinsala sa assault case, kabilang ang perang pambayad sa kanyang medical bills dahil sa insidente, na naganap noong 2014.
Itinanggi ni Drake ang mga paratang, at umapela siyang ibasura ang buong kaso, makaraan niyang igiit na wala siyang kinalaman sa gulo, at pinaninidigan niya na nagawa ng kanyang bodyguard ay self-defense dahil may hindi ito nagustuhan ang ginawa ni Detail.
Ngayon ay hiniling ng Controlla hitmaker sa judge na huwag tanggapin ang ebidensyang tsismis lamang – partikular ang anumang pahayag na nagmula sa mga website, social media at sa Internet - sa trial.
Isiniwalat ng 31 taong gulang na rapper na ang kanyang kasikatan ay nangangahulugan ng kanyang buhay, at nagsisilbing putahe ng iba’t ibang blogs, websites at social media posts at naniniwala siya na ang ganitong uri ng impormasyon, kapag iprisinta sa jury, ay maaaring maging hindi patas.
“Due to the plethora of news stories available, and after observing Detail’s inclination towards muddying the waters by introducing said news stories during the deposition of Chubbs, Drake is concerned Detail may try to introduce the same stories at trial,” saad sa mosyon ni Drake, ayon sa The Blast.
Naniniwala ang kanyang mga abogado na ang mga istorya “would result only in confusing the jury and skewing their interpretations of the testimony and document presented at trial.”
Lumabas si Fisher sa track ni Drake na 305 to My City noong 2013, at siya ring nag-prodyus din ng Drunk in Love hit ni Beyonce.
Patuloy ang paggulong ng kaso.