Ni Fer Taboy

Dalawang umano’y drug pusher ang nasugatan matapos makasagupaan ang mga tauhan ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Pigcawayan, North Cotabato.

Ang mga ito ay kinilala ng North Cotabato Police Provincial Office (NCPPO) na sina Ibrahim Samama, at alyas Bruds, parehong pugante sa North Cotabato District Jail.

Kinumpirma ng pulisya na nakasagupa ng grupo ni Kumander Badrodin ng 105th Base Command ng MILF ang pangkat ng Sampillo brothers na sangkot umano sa illegal drug trade sa Barangay Buricain, Pigcawayan, Cotabato.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Tumagal ng kalahating oras ang engkuwentro at iniwan ng grupo ang dalawa nilang kasamahang sugatan.