Ni Leandro Alborote

STA. IGNACIA, Tarlac - Dinakip ng pulisya ang tatlong lalaki matapos umano nilang nakawin ang kambing ng isang magsasaka sa Barangay Sta. Ines West sa Sta. Ignacia, Tarlac, nitong Sabado ng hapon.

Nakakulong ngayon sa himpilan ng Sta. Ignacia Police ang mga suspek na sina Alexander Salvador, 31, ng Bgy. San Roque; Ar-jay Verde, 28; at Andro Pablo, 19, kapwa ng Bgy. San Lorenzo, Gapan, Nueva Ecija.

Ayon kay SPO1 Ronald Salcedo, ng Sta. Ignacia Police, ninakaw ng tatlo ang alagang hayop ni Rogelio Rentigro, 55, may asawa, magsasaka, ng Bgy. Sta. Ines West.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Gayunman, habang tumatakas ang mga suspek sakay sa motorsiklo ay nabisto sila ng mga alertong residente, at hinabol sila.

Nagawa namang maaresto ang mga suspek nang masiraan ang sinasakyan nilang motorsiklo.