Ni NITZ MIRALLES

KAHIT pala ang mayamang si Sharon Cuneta ay nakaranas ng discrimination sa minsang pagsa-shopping niya sa ibang bansa.

sharon

‘Kaaliw basahin ang kuwento ni Sharon na ‘pag nagsa-shopping siya sa mamahaling stores sa ibang bansa, kailangang mamahalin at branded ang mga gamit niya para hindi isipin ng sales people na pumasok siya para lang magpalamig sa aircon at hindi naman bibili.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Ang impression pala ng sales people sa ibang bansa, ‘pag Pinoy hindi bibili, titingin at magtatanong lang.

“‘Di ako papayag maliitin ang Pinoy,” sabi ni Sharon.

Kasunod nito ang kuwento niya tungkol s a s h o p p i n g experiences niya sa ibang bansa.

Natawa kami sa mga kwento ni Sharon gaya nang pumasok siya sa Chanel sa Rodeo Drive. Walang pumapansin sa kanya dahil t-shirt at jeans lang ang suot at simpleng bag ang gamit niya. Bisi-bisihan daw ang sales people na ang ina-assist ang puro keyholders at wallets ang binibili.

Humingi na raw siya ng assistance pero dedma pa rin, hanggang isang Chinese sales rep ang nag-assist sa kanya.

“In truth I just wanted a bag or two. I came out of the store with suits and gowns and earrings and bags and whatever sa init ng ulo ko. Since then ‘pag papasok ako kahit one year na ang lumipas, tinandaan na yata ng iba face ko, smile agad lapit. Eh, kaso di nila alam ang memory ko singlaki ng elepante so alala ko din sila! Ako naman, ‘I’d like Diana please. If she isn’t here when will she be back?’ BOOM! LOVE THAT!” post ni Sharon na marami ang naka-relate.

Ang dami pang kuwento ng megastar na nakakaaliw basahin at ang daming Pinoy na naka-relate dahil nangyari rin sa kanila. Ang nakakalungkot, pati rito sa Pilipinas mismo may mga sales people na nangdi-discriminate.

Samantala, parang nag-sorry si Sharon pagkatapos sagutin ang bashers na fans ni Gabby Concepcion. Masasakit ang sinabi at akusasyon kay Sharon ng fans, hindi nakatiis si Mega, sumagot din ng masasakit na salita.

May nabanggit pa si Sharon na, “DAHIL SA INYO at sa mga pampalaki ng ego ng idolo n’yo, HINDI NA MATUTULOY. PARA ALAM NG LAHAT NG SHARON-GABBY FANS NA MATITINO YOU ARE PARTLY RESPONSIBLE FOR THE PROJECT’ s FAILURE TO PUSH THRU.

I HOPE U ARE HAPPY NOW. I lift you all up to GOD ALMIGHTY,” parte ng mahabang post ni Sharon sa Instagram (IG).

Pero sa sumunod na post, kalmado na siya. “I am not comfortable being hurtful to some because they have caused me pain. I am a happy and loving person and so I will try my BEST not to allow anyone to change me even if they hurt me.”

Sa ngayon, parang malabo na ngang matuloy ang reunion movie nina Sharon at Gabby na ikinalungkot ng majority sa Sharon-Gabby fans. Pero malay natin, magbago ang ihip ng hangin at matuloy pa rin ang pinapangarap na reunion movie ng dalawa.

Ang maganda lang, ang ibang fans tinanggap na maluwag sa dibdib na baka hindi na uli magtambal sa pelikula sina Sharon at Gabby. Hindi sila galit at mabilis na nag-move on. Ayaw na nilang ipilit ang gusto nila kung mahihirapan at mag-aaway lang sina Sharon at Gabby.