Ni Nitz Miralles

NAGPASABOG si Alden Richards nitong Good Friday nang mag-post ng two photos niya habang nagbabakasyon sa Dakak.

alden

Nagkagulo sa social media kahit Biyernes Santo dahil ang ipinost na picture ni Alden ay topless siya, kita ang hubad na upper body at ang sumisilip na abs.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

One liner at six letters ang caption ni Alden sa photo, “Almost...” lang ang sinabi, pero may 113,693 likes na kaming nakita. Ang comments ay umabot na sa 4,492 and still counting. Ang napansin namin, mas maraming positive at aliw lang na comment, ‘pero ‘yung iba, paulit-ulit lang.

Konting push pa sa gym at ipagpatuloy ang intermittent fasting o IF na kanyang sinusunod, lalabas na ang abs ni Alden. Aliw basahin ang comments ng fans/followers ng aktor pati comments ng bashers sa laki ng improvement ng katawan ng aktor. Dedma siya sa bashers, hindi nga niya ino-off ang comment box sa Instagram, everybody’s welcome to comment pati sa love life niya.

Nakakatawa nga dahil iba’t ibang babae ang sinasabing girlfriend ni Alden, halata tuloy na gawa-gawa lang. Si Patricia Tumulak daw ang real GF ng binata at kaya raw ito pumirma sa GMA Artist Center para makapareha si Alden.

May magli-link naman sa kanya kay Bea Binene na alam sa showbiz na best friend lang ni Alden, pero in-insist ng bashers na si Bea ang real GF niya. Nababanggit pa rin si Julie Anne San Jose kahit boyfriend na nito si Ben Alves.

May nagpipilit namang ang half-Pinay at half- Japanese na friend ng sister ni Alden ang real GF ng aktor. May ibang pangalan pa kaming nababasa na GF daw ni Alden. Hindi magkasundo ang bashers kung sino ang kasintahan ni Alden.

Halata tuloy na fake news ang ikinakalat na balita.

Samantala, sa April 5 na ang lipad nina Alden, Dennis Trillo, Jennylyn Mercado, Lovi Poe, Betong Sumaya at Dingdong Dantes para sa Sikat Ka Kapuso show sa New Jersey (Apr. 7) at Toronto (Apr. 8).

Hindi agad uuwi si Alden dahil dadalo siya sa gala ng 2018 New York Festivals World’s Best TV & Films sa April 10 na gaganapin sa NAB Show sa Las Vegas. Nominated sa Docu/drama category ang Alaala: A Martial Law Special sa direction ni Adolf Alix, Jr. at kasama sa cast sina Rocco Nacino, Bianca Umali at Gina Alajar.

Pupunta pa sa New York si Alden para sa two-day one-on-one acting workshop under Anthony Vincent Bova.