Lena at Beyonce
Lena at Beyonce

MAAARI nang burahin sa listahan ng #WhoBitBeyoncé suspects ang pangalan ni Lena Dunham.

Nitong Martes ng gabi, nagsalita na ang 31 taong gulang na Girls creator sa mga usap-usapan na siya ang hindi pinangalanang aktres na umano’y kumagat kay Queen Bey sa afterparty ng December concert ni JAY-Z sa Los Angeles.

“As the patron saint of ‘She would do that…’ I didn’t,” tweet ni Dunham, na nagdeklara ng niya na inosente siya.

Musika at Kanta

Wolfgang, binuburaot ng Ivory, Vicor Music?

Naging masigasig ang netizens na malaman ang katotohanan sa misteryong ito, mula nang ikinuwento ni Girls Tripstar Tiffany Haddish, na nasa afterparty rin, ang kanyang nasaksihang pangangagat kay Beyonce.

 “There was this actress there that’s just, like, doing the mostest,” sabi ni Haddish, 38, sa panayam ng GQ na inilathala nitong Lunes, ngunit tumanggi siyang pangalanan ang aktres. “She bit Beyoncé in the face.”

“Beyoncé stormed away… went up to JAY-Z, and was like, ‘JAY! Come here! This bitch—’ and snatched him,” pagbabalik-tanaw ni Haddish. “They went to the back of the room. I was like, ‘What just happened?’ And Beyoncé’s friend walked up and was like, ‘Can you believe this bitch just bit Beyoncé?’ ”

Ayon kay Haddish, humarang siya para depensahan si Beyoncé, at sinabi niya kay Beyonce na ang kanyang attacker ay “gonna get her ass beat tonight.’” Ngunit nanatiling kalmado si Beyoncé. “She was like, ‘Tiffany, no. Don’t do that. That bitch is on drugs. She not even drunk. The bitch is on drugs. She not like that all the time. Just chill.’ ”

Rumesponde naman si Yvette Noel-Schure, kinatawan ni Beyoncé, sa isyu nang sabihin nito sa GQ na, “I absolutely cannot comment on any of this, as I have no knowledge.”

Mula noon ay naglabasan na ang mga pinaghihinalaang suspek kabilang sina Dunham, Sara Foster, at Love and Basketball star na si Sanaa Lathan.

Nagbiro pa nga si Ryan Murphy na gagawin niyang sentro ang kontrobersiya ng susunod na season ng American Crime Story, at itinanong niya sa fans sa Instagram na “Who Should Play Beyoncé?”

Si Foster, 37, ay naglabas na ng pahayag sa Instagram nitong Lunes, at sinabi ring inosente siya. “Flattering that anyone thinks I could get this close to Beyoncé,” saad niya.

Itinanggi naman ni Lathan, 46, ang mga paratang sa Twitter, at sinabing, “Y’all are funny. Under no circumstances did I bite Beyonce and if I did it would’ve been a love bite.”

Ngunit iniulat ng TMZ na si Lathan ang kumagat. “It was not an aggressive bite. It was playful and non-invasive but still caught Beyoncé off guard,” sabi ng sources sa site nitong Martes — at sinabing si Lathan, “was talking to JAY-Z in a way that made Beyoncé uncomfortable” kaya kinumpronta ni Beyonce si Lathan, “(who) brushed off any insinuation of inappropriate conduct and then gave her a jokey bite.”

At may isa pang nakakaalam kung sino ang gumawa nito ( o kaya ay siyang mismong gumawa): Si Chrissy Teigen.                                                                                                  

Nag-tweet ang cookbook author at Lip Sync Battle host, 32, nitong Lunes na kilala niya umano ang hindi pinangalanang aktres na tinutukoy ni Haddish na kumagat sa Lemonade singer. “I cannot leave this planet without knowing who bit Beyonce in the face,” sulat niya. “I can only think of one person who would do this. but I cannot say. but she….is the worst.”

Hindi pa rin niya ibinunyag ang pagkakakilanlan ng aktres nang pilitin itong magsalita nina Hoda Kotb at Kathie Lee Gifford sa Tuesday’s the Today show.

“There was a bite, yes,” sabi Teigen, at wala na siyang sinabi pang ibang impormasyon (ngunit umamin siyang mahirap na manatiling tikom ang bibig). “Listen, I think we’ve all done things under the influence.”

“It’s not who I thought, I will say,” dagdag pa ng expectant mom. “The problem is I love everybody involved so I’m like zip. You know I share everything. It’s you guys! It’s so hard.”

Nagbiro rin si Teigen na naiintindihan niya ang sitwasyon at inalam daw umano ng asawang si John Legend na hindi siya ang kumagat.

“If I had a dollar for every time that I had a few glasses of wine or something and would have done something like that? Oh man, very rich,” tukso ni Teigen. “I asked John yesterday, I was like1 ‘It’s not me, is it?’” - People