Ni Jun Fabon

Nagsagawa ng Station of the Cross bilang paggunita sa Semana Santa ang Quezon City Police District (QCPD) sa Camp Karingal nitong Miyerkules.

Sa kanyang mensahe, idiniin ni QCPD Director P/Chief Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar ang kahalagaan ng pagpapasalamat sa Diyos.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

“Tayo, bilang mga kapulisan, ay maisingit pa din natin ito kahit na tayo ay alert dahil we have so much to thank for to our God sa ating profession para magampanan natin ng maayos ang ating trabaho at para makapaglingkod tayo ng mabuti sa ating mga kababayan. Tayong lahat ay magnilaynilay pero asahan n’yo na ready on call pa din tayo”, anang hepe ng QCPD.

Nagdaos ng Misa si Rev. Father Leoncito A. Falcasantos, Jr., Parish Priest, ng Mary Mother of the Church, Diocese of Novaliches.