Ni Fer Taboy

Dalawang lalaki ang nasa malubhang kalagayan matapos na magtagaan nang magtuksuhan tungkol sa pagiging “supot” habang nag-iinuman sa Barangay Bulang, Malinao, Albay nitong Miyerkules.

Sa report ng Albay Police Provincial Office (APPO), parehong ginagamot sa ospital sina Domingo Bora, 28; at Albino Golgota, 27, dahil sa mga sugat sa ulo, balikat, kamay at sa katawan.

Probinsya

Lolang bibisita sa City Jail, timbog matapos mahulihan ng ilegal na droga

Ayon kay Chief Insp. Arthur Gomez, hepe ng Malinao Municipal Police, nag-iinuman ang dalawa nang bigla umanong sinabihan ni Golgota ng “supot” si Domingo, hanggang magtagaan ang dalawa.