LALARGA na ang Paranaque Chess Association (PCA) “The Return” 118th Edition Non-Master 2000 and kiddies Under 14 1900 chess tournament sa Abril 22 sa Event Area, Building B sa SM Bicutan, Paranaque City.

Ayon kay tournament director Canada-based Dr. Bong Perez, bukas ang nasabing torneo sa lahat ng manlalaro na hindi lalagpas sa 2000 NCFP rating base sa January 1, 2018 listing kung saan ay ipapatupad ang FIDE Laws of Chess sa six round swiss system, 20 minutes plus five seconds delay time control format.

May nakalaan na P4,000 plus trophy ang mapapanalunan ng magkakampeon; habang P2,000 naman plus medal ang naghihintay sa ika-2 puwesto; P1,000 naman plus medal sa ika-3 puwesto at P500 plus medal ang maibubulsa ng pangapat na puwesto.

Ang magkakampeon naman sa kiddies division under 14 category ay makakatangap ng P1,500 plus trophy habang ang next three placers may tig P1,000, P500 at P300 plus medal.

Adamson University, kinilala 'hakot award victory' ni Karl Eldrew Yulo

Ang tournament registration fee sa Non-Master 2000 and below category ay P300 habang ang tournament registration fee naman sa Kiddies Under 14 division ay P200 sa event na inorganisa ng Paranaque Chess Association (PCA) sa pakikipagtulungan ng Chess Education For Age-Group (CEFAG) na affliated ng National Chess Federation of the Philippines (NCFP).

Para sa karagdagang detalye, tumawag o mag text sa mobile number: 0919-722-7552 para sa kumpletong impormasyon.