ginebra copy

PARA sa barangay, ihanda na ang naipong barya para makakuha ng limited edition ng 2018 Ginebra jersey collection.

Mula noon, hanggang ngayon ang ‘never say die spirits’ ng pamosong Ginebra San Miguel Kings ay nananalaytay sa dugo ng ‘Solid Ginebra fans’ at ang bagong linya ng mga jersey ay tinitiyak na makadaragdag sa damdamin ng isang tunay na baskerball fans.

Sa nakalipas na taon, ipinagdiwang ang kapanganakan ng makasaysayang Ginebra team sa inilunsad na Ganado Classics: 3 Decade Jersey Collection.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Nakapalood dito ang makasaysayang tagumpay ng Ginebra sa kanilang unang PBA title noong 1986 PBA Open Conference at ang PBA Governors’ Cup Championship noong 2016 na tumapo sa walong taong pagkauhaw sa kampeonato ng barangay.

Kung noo’y binalikan ang nakaraan, ang bagong Ginebra jersey ay nakatuon sa modernong tagahanga ng Kings na tinaguriang ‘GinebraAko Jersey Collection’.

Ang termino na “GinebraAko” ay paglalarawan sa determinasyon, katatagan at pagiging malikhain ng Ginebra.

Bukod sa katagang “GinebraAko”, may iba pang disenyo na mapagpipilian tulad ng apat na stars na kumakatawan sa apat na dekadang pamamayagpag ng Ginebra at korona, na naglalarawan sa pagiging numero uno ng Kings.

Ang limited edition jerseys ay makikitang suot ng Kings sa pagsisimula ng kampanya sa 2018 PBA Commissioner’s Cup ssa Abril.

Para sa mga nagnanais na makakuha ng 2018 Limited Edition GinebraAko Jersey Collection, kakailanganin ang anim (6) na takip ng Ginebra San Miguel o Vino Kulafu; gayundin ang apat (4) takip ng anuman sa GSM Blue o GSM Blue Flavors, Primera Light Brandy, o GSM Premium Gin. Magdagdaga lamang ng P100 pesos para sa “GinebraAko” jersey. Magsisimula ang promo sa Abril 15 hanggang Hunyo 15, 2018.

May limang collectible jersey designs na mapagpipilian: Japeth Aguilar 25, Scottie Thompson 6, L.A. Tenorio 5, Greg Slaughter 20, at Mark Caguioa 47.