Ni JIMI ESCALA

MAY malalim na dahilan daw kung bakit nagdesisyon ang mga namamahala sa career ni Paul Salas na iwanan na ang ABS-CBN at magbalik sa GMA-7 na nagbigay sa kanya ng bagong project.

PAUL copy

Pero ayon sa aming source na malapit kay Paul, hindi na raw dapat pang pag-usapan ang rason kung bakit nagbabalik-Kapuso ang anak ng dating miyembro ng Universal Motion Dancer.

Netizens nanggigil sa bortang katawan ni Sam Concepcion; tinawag na ‘daddy’

Masaya na raw si Paul na nakabalik siya sa GMA.

Matatandaang nagsimula si Paul bilang isa sa Starstruck Kids bago pa naging Kapamilya. Ka-batch niya sa Starstruck Kids (2004) sina Miguel Tanfelix, Bea Binene at maraming iba pa.

Nakasama rin si Paul sa ilang GMA shows pero nang magbibinata na ay lumipat sa ABS-CBN at nakilala nang husto nang mapanood sa maraming show.

Nakasama si Paul sa Kung Fu Kids, Dyosa, Pieta, Tayong Dalawa, Aryanna, Luv U, You’re My Home, We Will Survive at sa The Good Son. May usap-usapan pang may gagawin pa sanang show si Paul sa ABS-CBN pero malabo na siyempre itong matuloy.

Nabanggit pa ng source namin na maaaring may kinalaman ang naging alitan nina Paul at Daniel Padilla kaya pakiramdam ng supporters ng una na na-freeze ang career nito.