Ni Lyka Manalo

LIPA CITY - Arestado ang isang 17-anyos na lalaki na nahuli umano sa aktong nagbebenta ng gasolina nang walang kaukulang dokumento.

Sa report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), nagsagawa ng operasyon ang mga operatiba ng Intelligence Section ng Lipa City Police sa Barangay Balintawak, dakong 6:30 ng gabi kamakalawa.

Namataan umano ang binatilyo na nagbebenta ng petroleum products at nakumpiska ang limang plastic container na may tig-anim na litrong petrolyo.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Nakuha rin umano sa suspek ang P1,000 na sinasabing kinita nito sa pagbebenta ng gasolina.