WASHINGTON (AFP) – Bumuwelta ang White House sa porn star na si Stormy Daniels, iginiit nitong Lunes na ‘’there was nothing to corroborate’’ sa mga pahayag nito ng extramarital sex kay President Donald Trump.
Sa unang pagsagot sa primetime interview na pinanood ng mahigit 21 milyong Amerikano, kinuwestiyon ng White House ang kredibilidad ni Daniel at hinamon siya na magprisinta ng mga ebidensiya.
‘’The president has strongly, clearly and has consistently denied’’ ang mga alegasyon ng sexual liaison, sinabi ni White House spokesman Raj Shah.