Ni Annie Abad

IPINAKILALA ng Thailand-based gas company na PTT ang pinakabagong Challenger Super Bike Racing Lubricant sa Inside Racing Bike Fest and Trade Show nitong Sabado sa World Trade Center sa Pasay City.

AbadIBINIDA ni PTT Philippines Commercial Fuels and Lubricants Director Vittaya “Bob” Viboonterawud ang bagong produkto na maasahan para mapangalagaan ang sasakyan.

IBINIDA ni PTT Philippines Commercial Fuels and Lubricants Director Vittaya “Bob” Viboonterawud ang bagong produkto na maasahan para mapangalagaan ang sasakyan.

Ito ang magiging opisyal na lubricant o langis ng PTT, na siya ring magiging sponsor ng PTT Thailand Grand Prix 2018 na magsisimula sa Oktubre ngayong taon.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Naselyuhan ng PTT ang hosting sa prestihiyosong torneo hanggang 2020.

Ayon kay PTT Philippines Commercial Fuels and Lubricants Director Vittaya “Bob” Viboonterawud, maiibigan ng moto riders, gayundin ang mga mahihilig sa mga sports adventures gamit ang “Big Bikes”.

Isa sa mga pinaka-kilalang produkto sa Thailand ang PTT Challenger na nais din na makilala ng mga opisyal nito sa mga kalapit bansa sa Asya gaya ng Pilipinas.

“We are happy to be here in the Philippines to introduce our new product. And we hope that we get a lot of support from you guys,” pahayag ni Viboonterawud.