Ni NORA CALDERON

NGAYONG Lunes Santo na ang simula ng three-day Lenten special ng Eat Bulaga. Yearly itong ginagawa ng show, para makapaghatid ng mga istorya ng pag-ibig, pag-asa at inspirasyon sa mga manonood.

Alden copy

Muling naimbitahan si Tirso Cruz III para sa isang episode, ang Haligi ng Pangarap at first time niyang nakasama si Alden Richards. Humanga siya sa binatang aktor dahil sa mahusay na pagganap nito bilang anak niya.

Elijah Canlas, emosyonal na inalala yumaong kapatid sa concert ni Olivia Rodrigo

“Isa akong OFW na iniwanan ko sa mga kamag-anak ko ang pag-aalaga kay Alden,” kuwento ni Tirso.

“Iyong lagi siyang wala kapag kailangan siya ng anak dahil gusto niyang mabigyan ito ng magandang buhay. Ipakikita namin dito kung paano nagsasakripisyo ang isang ama para sa kanyang anak, pero paano kung dumating ang oras na talagang kailangan na siya ng anak at wala siya?

“Ngayon ko lang nakasama si Alden at totoo pala ang sabi nila, isa siyang mahusay na actor. Nag-enjoy akong kasama siya at magkausap kami during breaktime. Nalaman ko ring nakasama pala niya ang mga anak kong sina Bodie at Djanin sa ilang shows nila sa GMA at kahit sa gym ay nagkakasama sila dahil pareho kaming nasa South. Mabait siya at magalang.”

Thankful si Alden na nabigyan siya ng pagkakataong makatrabaho si Tirso at may mga natutunan siya rito.

Ang Haligi ng Pangarap ay idinirehe ni Adolf Alix Jr. at kasunod ng unang episode na My Carinderia Girl nina Ruby Rodriguez at Kenneth Medrano.

Nagpasalamat si Pip na naimbitahan uli siya ng “EB Lenten Special.”

Sa ngayon daw ay may bagong teleserye na inaayos para sa kanya ang ABS-CBN pero may gagawin siyang pelikula sa Star Cinema at guest din siya sa movie ni Jolo Revilla, ang #72, ng Imus Productions.

Ngayong Holy Week ay magpapahinga lang silang mag-anak sa farm nila sa Lipa, Batangas. And since sa April 1 ay birthday niya, kasama ang family ay pupunta sila ng Japan for a short vacation. Pagbalik nila ay pupunta naman sila ng Dubai ng wife na si Lynn at anak na si Djanin para sa isang show roon. Tuloy pa rin sila ng monthly shows nila ng kaibigang si Christopher de Leon sa Pagcor Casino sa iba’t ibang lugar sa bansa.