PATULOY ang pagtanggap ng lahok para sa ika-13 season ng San Beda Basketball Camp.

Ayon kay program director Edmundo ‘Ato’ Badolato, gaganapin ang basketball camp sa Mendiola at Taytay Campus ng San Beda College sa Abril 5 hanggang Mayo 1. Itinataguyod ang programa ng Gatorade, Cocolife at Molten.

Bukas pa ang pagpapatala at ang mga interesadong campers ay inaaanyayahang makipag-ugnayan kay Oliver Quiambao sa tel. blg. 735-6011 local 2104 o sa mobile no. 0929-1971071 gayundin kay Mr. Badolato sa 0908-8624543.

Gaganapin ang mga klase tuwing Lunes at Huwebes ganap na 1:00 ng hapon hanggang 4:00 ng hapon mula Abril 5-30 sa Mendiola campus.

Ilang volleyball stars pina-auction jersey; tulong sa player na may liver cancer

Tuwing Martes at Biyernes naman ganap na 8:00 ng umaga hanggang 11:00 ng umaga simula Abril 6 hanggang Mayo 1 sa Taytay campus.

Pangungunahan ng mga batikang coach ng San Beda at iba pang mentor mula sa commercial league ang makikibahagi sa programa upang magbigay ng pagsasanay sa Camp na inorganisa ni Badolato, itinuturing pinakamatagumpay na junior basketball coach sa bansa.

May entry fee na P4,000 kung saan kasamang matatanggap ng campers ang San Beda jersey at bola na Molten.