Ni Marivic Awitan

Laro Ngayon

(Mall of Asia Arena)

6:30 n.g. -- Magnolia vs. San Miguel Beer

May cash incentives din; Karl Eldrew Yulo, tumanggap ng ₱500K mula kay Chavit!

SOPRESA ang naibungad ng Magnolia Hotshots sa Game 1.

Ngayon, target ng dehadong Hotshots na masundan ang malaking panalo sa Game 1 sa muling pakikipagtuos sa San Miguel Beer sa Game 2 ng PBA Philippine Cup best-of-seven championship ngayon sa MOA Arena.

paul copy

Ganap na 6:30 ng gabi nakatakda ang ikalawang pagtutuos ng Hotshots at ng Beermen para sa kampeonato.

Inaasahan ni Hotshots coach Chito Victolero na magagawa nilang ipagpatuloy ang magandang nasimulan.

“From the start, wala naman maniniwala na mananalo kami dito, kami lang in our circle and our families, but we believe,” sambit ni Victolero.

Gayunman, batid niyang simula pa lamang laban at wala pa silang napapatunayan. “This doesn’t prove anything, but magandang simula ‘to,.”

Kahit aminadong mas malakas ang kanilang katunggali, nangako ang Hotshots na hindi sila susuko.

“Yung team namin, Di mag-gigive up yan. Kahit gaano kalaki lamang ng San Miguel, lalaban kami diyan. Kahit mashootan kami, babalik kami sa opensa namin, tapos didipensa pa rin kami. Kahit alam namin na malakas yung San Miguel, ilalaban namin,” pahayag ng Game 1 hero na si Ian Sangalang.

“Underdog kami pero nakatulong sa amin yun, nothing to lose kami, kami maglalaro lang kami. Di kami susuko kahit anong mangyari, kahit lumamang sila. Lalaro lang talaga kami kung anong magagawa namin,” aniya.

Hindi alintana ng dating NCAA MVP na kabayan nya sa loob ng court ang reigning 4-time MVP na si Junemar Fajardo basta’t buong tapang lamang nyang ginawa ang inaasahan ng kanyang team mula sa kanya.

Isinalansan ni Sangalang ang 14 sa kanyang kabuuang 29-puntos sa fourth period kabilang na rito ang huling apat na puntos ng laro para pangunahan ang panalo ng Magnolia ,105-103 .

Bagamat nanaig pa rin sa kanya si Fajardo na nagtapos na may 31 puntos at 18 rebounds, napatunayan naman ni Sangalang na kaya nya itong sabayan.

Sa kabila ng kabiguan noong Game 1, nagpamalas pa rin ng kanilang composure ang Beermen.

Hindi na nila ginawang isyu at dahilan ang kabiguan ng mga referee na tawagan ng stepping violation si Raffy Reavis sa isang krusyal na play sa final stretch kung saan dapat sa kanila ibinigay ang ball possession.

“Those are just part of the game. We can’t dwell on that at that moment kasi meron pa kaming many seconds na maglalaro,” pahayag ni Alex Cabagnot..

Sinang-ayunan naman ito ni Fajardo na mas sinisisi ang pagiging gigil nya sa laro sa kanilang pagkabigo..

“Hindi naman perpekto yung refs, eh. Wala na yun, past na, natawag na.Hindi na natin mababawi. Move on na lang, and bounce back,” ani Fajardo.

“Marami rin kasi akong turnovers e. Sa kin talaga, masyado akong nanggigil,” wika pa ni Fajardo. “Maraming turnovers yung na-convert nila(Magnolia) Dun sila nakakuha ng momentum. “

Ang kabiguan naman nilang mapangalagaan ang nakikitang dahilan ni Cabagnot na inaasahan nyang magagawa nilang maitama sa susunod pang mga laro.

“I don’t think the game came down to that. I think the game came down to losing our lead.”

“Sana we can go back and be more collectively and comfortably know what we were doing para hindi na mangyari uli,” pahayag ni Cabagnot.