Ni JIMI ESCALABaron

HINDI na itinatago ni Erich Gonzales ang rich non-showbiz guy na nanliligaw sa kanya.

Erich copy copy

“Hindi naman ‘tinatago sa inyo. And ako, single po ako at siya po naman he’s single also. And I think nag-start ‘yan kasi may nakita silang picture,” sabi ni Erich.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Nag-umpisa ang isyu nang may nai-post na picture ni Erich na kuha sa Japan kasama ang masugid niyang manliligaw.

“Painter ang sister ko doon, I went to Japan for her exhibit. Thankful talaga ako sa Blood Sisters kasi pinapayagan talaga nila ako kahit two days lang. My sister invited him also, kaya siya sumunod doon,” patuloy na kuwento ng dalagang aktres.

Consistent at naiintindihan daw ng kanyang suitor ang trabaho at ang priorities niya sa buhay. Alam daw nito na committed siya sa kanyang bagong show at sa trabaho niya.

“I am committed with my show, my work, but when the time comes na and’yan pa din siya and I’m ready na to commit, why not, di ba? God willing,” katwiran ng Cebuana actress.

Hindi itinanggi ni Erich na kahit busy siya sa taping at iba pang commitments niya ay nagkakahanap pa rin ng time para magkita sila ng manliligaw niya.

“Like ‘pag may time at alam niya na libre siya ngayong araw na ito, siya mismo ‘yung gagawa ng paraan to see me and siyempre ‘yung effort ng tao nakikita naman natin. So, bakit naman tayo magmamaganda pa? He is nice din naman.”

Sa mga nangyayari ngayon sa kanyang personal na buhay at career, walang dahilan para hindi siya magsaya at magpasalamat sa Diyos.

“Masaya po tayo with everything that’s going on. I mean, may mga blessings na dumarating, may trabaho po. Walang dahilan para hindi maging masaya. Thank you po, Lord,” banggit pa ni Erich.