Ni Leandro Alborote

CAMP MACABULOS, Tarlac City - Naghain ng reklamo sa pulisya ang isang ginang laban sa kanyang asawa na umano’y nag-abandona sa kanilang mag-iina nitong nakaraang taon.

Si Marlon Vivas, 32, ay nahaharap sa kasong kriminal makaraang ireklamo ng 26-anyos niyang misis sa Tarlac City Police.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Ayon sa ginang, inabandona ni Vivas ang kanilang pamilya noong Mayo 30, 2017.

Mula nang abandonahin ng mister, wala na umano silang natatanggap na anumang suporta, kabilang ng tulong pinansiyal mula sa dating padre de pamilya.