Ni REGGEE BONOAN

FINALLY, inamin na ni Erich Gonzales na may non-showbiz guy na nanliligaw sa kanya at base sa paglalarawan niya ay, “consistent and persistent.”

eRICH- pls crop copy

Sinulat namin kamakailan ang detalyadong pagkakakilanlan ng manliligaw ni Erich na si Mateo Lorenzo, na ayon sa aming source ay hindi sanay ang pamilya na nada-drag sa showbiz.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Sitsit pa ng source namin, ipina-news blackout ng pamilya ang nasulat tungkol kina Mateo at Erich at umupa ng kilalang publicist para pakiusapan ang ilang pahayagan na huwag ng magsulat tungkol dito.

Kaya pala noong huli naming makausap si Erich sa mediacon ng The Blood Sisters ay pinandidilatan kami ng mga mata at sabay sabing, “Grabe ka, Ate Reggee, sobrang detalyado.”

Pero kahit na anong tanong namin ng mga katoto tungkol sa manliligaw na ito ay panay ang iwas ni Erich at sinabing puro trabaho ang prayoridad niya. Dahil malapit na noon ang Araw ng mga Puso, nang itanong kung ano ang plano nila ni Mateo, agad niyang sinabing, “May work po ako ng Valentine’s Day, walang dadalaw po.”

Mukhang naiba na ang ihip ng hangin dahil inamin na ni Erich na nanliligaw na nga sa kanya si Mateo at magkasama pa silang pumunta ng Japan kasama ang ilang kaibigan. Sinabi rin ng dalaga na masaya siya ngayon at wala na siyang itinatago.

Pero ipinagdiinan ng dalaga na hindi pa sila magkarelasyon ni Mateo, magkaibigan pa lang daw.

Okay, fine. Aabangan na lang namin kung kailan na siya aamin na boyfriend na niya si Mateo Lorenzo.

Naku Erich, mabuti na lang at love ka namin ni Bossing DMB dahil kung hindi, lalo ka naming kukulitin.

At higit sa lahat, mabuti rin at maganda ang The Blood Sisters kaya maganda rin ang resulta nito sa ratings game.