Mula sa Cover Media

SINUPALPAL ni Dua Lipa ang journalist na kumuwestiyon sa mga idinahilan niya sa pagkansela ng apat na tour dates sa Australia.

Dua copy

Ang British singer sana ang magbubukas sa Oceanic leg ng 24K Magic World Tour ni Bruno Mars pero umurong nitong Marso 18 sa support gigs sa Brisbane at Sydney para magpagaling sa operasyon sa kanyang wisdom teeth.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Matapos inilabas ang pagtatanghal niya sa U.S. talk show na Jimmy Kimmel Live! nitong linggo, tinuligsa ng Australian journalist at broadcaster na si Richard Wilkins si Dua, na tinanong niya kung paano ito nakapagtanghal sa TV gayong dapat ay nagpapahinga siya mula sa surgery.

Binuweltahan ng New Rules singer si Richard sa pamamagitan ng mga komento sa Twitter, at nagpaliwanag na pre-recorded ang kanyang performance -- at sa katunayan ay nakahiga pa siya sa kama.

“ @ RichardWilkins if you were a good j ourna l i s t y o u would’ve done proper research i n s t e a d o f talking out of your a**,” s a a d n i y a . “Jimmy Kimmel was shot in Feb(ruary) in La (Los Angeles) and aired yesterday.

I’ve been in Australia on bed rest and wouldn’tve (sic) cancelled my Bruno shows if I didn’t have to.”

Agad namang humingi ng paumanhin ang napahiyang journalist sa 22-year-old star, nag-tweet ng, “Sincere apologies @ DUALIPA. Didn’t mean to misinform. Assumed you were live with Jimmy K. Your fans and my son have severely castigated me!”

Matapos makapagpagaling sa surgery, nagbalik si Dua sa entablado bilang support act ni Bruno sa Qudos Bank Arena ng Sydney nitong Martes at rumatsada sa kanyang sariling show kinabukasan.

Sa pahayag tungkol sa kanyang surgery, isinulat ng popstar na siya ay “(in) awful pain” at idinagdag na, “I have been enjoying this tour so much and i’m so upset that life has gotten in the way but hopefully i’ll have a speedy recovery and make it back a s s o o n a s possible. Thank you for your understanding (sic).”