Mula sa AFP
UMAABOT sa 600 katao ang imbitado sa kasal nina Prince Harry ng Britain at Meghan Markle, pahayag ng Kensington Palace nitong Huwebes.
Ipinadala ang mga imbitasyon nitong unang bahagi ng linggo, ayon sa official residence ni Harry – pero hindi ibinubunyag kung sinu-sino ang mga kasama sa guest list.
Nakatakdang ikasal si Harry at kanyang US actress fiancee sa Windsor Castle, sa kanluran ng London, sa Mayo 19.
Ang 600 invitees ay dadalo sa service sa St. George’s Chapel ng castle, na susundan ng lunchtime reception na inihanda ng lola ni Harry na si Queen Elizabeth II sa George’s Hall.
Pagkatapos nito, tinatayang 200 bisita ang inimbitahan para sa private reception sa Frogmore House na ibibigay ng ama ni Harry na si Prince Charles, ang tagapagmana ng trono.
Ang venue para sa evening party, sa parke sa labas ng Windsor Castle, na kinunan para sa official engagement photos nina Harry at Meghan.
Ang mga imbitasyon, inilabas sa pangalan ni Charles, ay nakalagay sa thick white card gilded along the edge, na die-stamped ng gold at may burnished.
Mababasa sa imbitasyon ang: “His Royal Highness The Prince of Wales... requests the pleasure of the company of... at the marriage of His Royal Highness Prince Henry of Wales with Ms Meghan Markle at St George’s Chapel, Windsor Castle on Saturday 19th May, 2018 at 12 Noon followed by a reception at Windsor Castle.”
Ang pangalan ng mga inimbitahang guests ay idinagdag sa kalaunan ng calligraphy printer.
UNIFORMS, ELDERFLOWER CAKE
Nakasaad sa invites na ang dress code ay uniform, morning coat or lounge suit, or day dress with a hat.
Inaasahang isusuot ni Harry, dating sundalo na may ceremonial military roles, ang kanyang highest-ranking uniform sa kasal.
Ang prince at kanyang bride-to-be ay nagiging abala nitong buwan habang papalapit ang kasal.
Nitong Martes, ipinahayag ng magkasintahan na napili nila ang London-based US pastry chef na si Claire Ptak para gumawa ng lemon elderflower wedding cake, na babalutan ng but t er c r eam at palalamutian ng mga bulaklak.
Inilathlaa ni Queen Elizabeth ang kanyang formal consent sa kasal noong Marso 15.
Sa ilalim ng batas, ang monarch ay kailangang magbigay ng consent for the marriage ng unang anim na taon na tagapagmana ng trono.
Si Harry, 33, ay fifth in line sa likod ng kanyang amang si Charles, kapatid na si Prince William at mga anak ni William na sina Prince George at Princess Charlotte.
Bababa siya sa sixth place sa pagsilang ng asawa ni William na si Catherine ng pangatlong anak sa susunod na buwan.
Noong Marso 2, sumabak si Meghan sa kanyang unang official event kasama si Queen Elizabeth, sinamahan si Harry sa isang Commonwealth Day service sa Westminster Abbey ng London.
Si Meghan, 36, ay bininyagan ng lider ng Church of England nitong unang bahagi ng buwan bilang paggalang sa sovereign’s role bilang pinuno ng denomination.