Ni Reggee Bonoan

“SECRET! Abangan n’yo!”

Ito ang nakangiting sagot ni Nash Aguas nang tanungin namin kung ang character nga ba niyang si Calvin sa The Good Son ang pumatay kay Victor Buenavidez (Albert Martinez) o iba?

NASH copy

Ion Perez, kinumpirmang 'di na kakandidato sa pagkakonsehal

Sa set visit ng TGS sa Tivoli Royale ay iisa ang tanong kina Nash, Jerome Ponce, Loisa Andalio, Alexa Ilacad, Elisse Joson at Joshua Garcia, kung sino sa kanila ang guilty sa pagpatay kay Victor.

Hilung-hilo na ang televiewers kung sino ba talaga ang pumatay kay Victor dahil ang pinaghihinalaang si Anthony Buenavidez (John Estrada) ay patay na. Suspek din si Dado (Jeric Raval) at si SPOI Colmenares (Michael Rivero).

“Ha-ha-ha, abangan n’yo po,” sagot ni Nashy. “Kami rin hindi namin alam.”

Bagamat umamin na si Calvin na siya ang pumatay sa kinilalang ama ay hindi siya puwedeng kasuhan dahil nga may sakit siya sa pag-iisip at posibleng imahinasyon lang niya na siya nga ang pumatay. Kaya mahigpit na bilin sa amin ng cast, pakaabangan ng lahat ang episode ng The Good Son bukas (Biyernes) pagkatapos ng Bagani dahil mare-reveal na raw ang identity ng killer.

Anyway, natutuwa kami kay Nash dahil tuluy-tuloy ang pag-asenso ng negosyo niyang MuraMen restaurant. Nang makausap namin siya last December ay apat na ang branches niya, sa Makati City, Sampaloc, Manila (university belt), Cavite City at isang siyudad sa south.

Sa huling interview namin nitong Lunes, anim na raw at may tinitingnan silang puwesto sa Marikina City at Batangas.

Sa madaling sasabi, dalawang company owned at apat na franchise na ang Mura Men resto niya. May inquiry na rin para sa BGC branch.

Bukod sa pagiging mahusay na direktor at aktor ay mahusay ding entrepreneur si Nash. Kaya ang tanong sa kanya ni Bossing DMB, “Saan na ngayon mas mas malaki ang kita, sa pagnenegosyo o sa pag-aartista?”

Natawa lang ang binatang disinuwebe anyos. At sabi namin, ‘kuripot’ siya dahil sabi ng ka-love team niyang si Alexa ay hindi pa niya ito inililibre.

“Ha-ha-ha, opo kuripot ako, kailangan ipun-ipon. Sige po, mamaya ililibre ko siya,” tumawang sabi ni Nash.

Ang galing ni Nash, ‘no, Bossing DMB? Sabagay, edad 7 pa lang noong una nating makausap ay mataas na talaga ang pangarap niya at gusto nga niyang maging astronomer, hindi nga lang natuloy kasi napunta na sa negosyo at pagdidirek ang atensiyon niya.