Ni Nitz Miralles

ANG galing tumiyempo ni Iya Villania, laging buntis ‘pag airing ang Lip Sync Battle.

Iya Villania (4) copy

Sa Season 1 ng musical-reality competition, buntis si Iya as color commentator ng show hosted by Michael V. Nakapanganak pa si Iya bago matapos ang Season 2.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Sa Season 3 at pagbabalik ng Lip Sync Battle, buntis uli si Iya and she’s due to deliver her and husband Drew Arellano’s second baby boy on August 2017. Sabi naman ni Iya, kakayanin niyang maging color commentator ng show at bago siya manganak, tapos na ang third season.

“I enjoy being pregnant, pansin ko lang, mas mapili ako sa pagkain ngayon. Magki-crave ako ng certain food at ‘pag and’yan na, hindi ko na kakainin. I think, kaya masayahin si Primo (their baby) because my pregnancy was happy,” wika ni Iya.

Natawa si Iya nang sabihin naming mas maraming fans si Primo kesa sa kanila ni Drew at dahil ito sa number ng likes ng photos ng bagets. By thousands ang nagla-like at may isang photo nito na hinahalikan si Iya na malapit nang mag-one million ang likes. Ganu’n kasikat ang magtu-two-year-old na si Primo sa netizens.

May over eager fans/followers din si Iya na nakikialam kung paano alagaan si Primo at pati damit ng bata, pinansin.

“May nag-comment kung bakit laging white sando ang damit ni Primo at bakit ko raw ipinauulit ipasuot ang white sando? Ano’ng problema roon? Masama bang magpaulit ng damit? Saka mas maganda sa bata ang white t-shirt,” paliwanag ni Iya na sinang-ayunan ng mga reporter dahil wala naman talagang masama sa pag-uulit ng damit.

Anyway, pinili ni Iya na maka-battle sakaling maging contestant siya sina Rihanna at Rochelle Pangilinan.

“Dahil alam kong palaban si Rochelle, competitive ‘yun at kahit alam kong talo na ako, masarap pa rin siyang makalaban,” sabi ni Iya.

Sa April 1, ang pilot ng Lip Sync Battle. Nag-taping na at magkalaban sina Miguel Tanfelix, Kyline Alcantara, Jerick Gonzales at Bianca Umali at Sanya Lopez at Andrea Torres para sa gagawing pilot episode. Si Rico Gutierrez ang director ng nakakatawang show pero hahangaan ng viewers ang contestants.