Ni Entertainment Tonight

SINALUBONG ni Trey Songz ang kanyang linggo sa loob ng kulungan.

Trey copy

Kinumpirma ng tagapagsalita ng Los Angeles Police Department sa ET na ang 33 taong gulang na R&B artist, Tremaine Neverson ang tunay na pangalan, ay inaresto nitong Lunes, 6:30 ng umaga dahil sa kasong domestic violence na nag-ugat sa insidenteng naganap noong Pebrero 18 dakong 2:40 ng madaling araw sa isang party sa L.A.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Ayon sa pulisya, inakusahan si Songz ng umano’y pambubugbog. Samantala, iniulat naman ng TMZ na ang biktima ay isang babae at naganap umano ang insidente sa kasagsagan ng NBA All-Star weekend. Nagpiyansa si Songz ng $50,000 nitong Lunes, at nakalaya rin bandang 8:00 ng umaga.

Nakipag-ugnayan na ang ET sa abogado para sa pahayag at nag-tweet naman si Songz sa Twitter tungkol sa kanyang pagkakaaresto.

“For weeks my lawyers & Mgmt have asked me not to comment on this and I initially agreed but this morning I feel that my fam, the women that raised me, my friends & fans especially the youth need to hear from me. I am being lied on and falsely accused for someone’s personal gain,” tweet ni Songz.