Ni MAR T. SUPNAD

TAGUDIN, Ilocos Sur - Nakakulong ngayon ang isang 21-anyos na binata nang madakip ng pulisya sa akto ng pagtatangka umanong gahasain ang isang 81-anyos na biyuda, nitong Linggo ng madaling-araw, sa Barangay Borono, Tagudin, Ilocos Sur.

Kinilala ng Tagudin Municipal Police ang suspek na si Joel Dolez Gabatin, tubong Bgy. Cabaroan, Sta. Maria, Ilocos Sur.

Sa imbestigasyon ng pulisya, natutulog ang matanda nang pasukin ng suspek sa kanyang kuwarto.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Gayunman, nagising ang biktima at nagsisigaw, na ikinaalarma ni Fredelino Pagaduan, chairman ng Bgy. Borono, na kaagad na tumawag ng pulis.

Nang rumesponde ang mga pulis, nahuli pa nila sa akto si Gabatin sa kuwarto ng biktima.

Nakumpiska umano sa suspek ang isang sachet ng hinihinalaang shabu.

Nahaharap ngayon si Gabatin sa kasong attempted rape at pag-iingat ng ilegal na droga.