Ni AARON B. RECUENCO

Natimbog ng anti-scalawag unit ng Philippine National Police (PNP) ang 149 na katao, kabilang ang apat na pulis at isang sundalo, matapos salakayin ang isang lugar na pinagdadausan ng illegal online cockfighting sa Baliwag, Bulacan nitong Biyernes ng gabi.

Kinilala ni Senior Supt. Chiquito Malayo, hepe ng Counter-Intelligence Task Force (CITF), ang ilan sa mga nadakip na sina PO3 Nolasco Bernardo Juan, nakatalaga sa Police Regional Office (PRO)-3 office sa Camp Olivas, Pampanga; PO1 Jestoni Fuentebella, nakatalaga sa Bulacan Police Provincial Office; PO1 Jeffrey Mateo, ng Angat Municipal Police; at PO1 Emmanuel Leonardo.

Nadakip din si Private First Class Enrique Quinaquin, ng Philippine Army.

Probinsya

Labi ng dalagang inanod ng baha noong bagyong Kristine, natagpuan sa isang creek

Nasa kustodiya naman ng Anti-Cyber-Crime Group (ACG) ng PNP ang may-ari ng online betting area na si Enecito Dahan Payapaya.

Nag-o-operate, aniya, ang ilegal na sugal sa pamamagitan ng live streaming ng sabong sa isang legitimate cockfighting area.

Naiulat din na pinopondohan umano ng mga gambling lord ang operasyon ng nabanggit na illegal e-sabong.