PORTLAND, Oregon (AP) — Tuloy ang lagablab ng Portland Trailblazers.

Ratsada si CJ McCollum sa naiskor na 29 puntos para sandigan ang Trail Blazers sa 113-105 panalo kontra Cleveland Cavaliers nitong Huwebes (Biyernes sa Manila) at hilahin ang winning streak sa NBA-best 11 straight game.

Kumubra si Damian Lillard ng 24 puntos para sa ikawalong sunod na panalo ng Blazers sa home game at maitala ang pinakamahabang winning streak sa prangkisa mula noong 2013.

Kumana si LeBron James ng 35 puntos at 14 rebounds para sa Cleveland, habang nag-ambag si Kyle Korver ng 19 puntos.

Tatay ni Caloy, ‘ginatasan’ daw ng anak: ‘Kinuha niya semilya ko, ginanyan na kami!’

Tangan ng Blazers ang No.3 sa Western Conference standings, sa likod ng nangungunang Houston Rockets at defending champion Golden State Warriors.

RAPTORS 106, PACERS 99

Sa Indianapolis, nanatili sa pedestal ng Eastern Conference ang Toronto Raptors nang pabagsakin ang Indiana Pacers para sa ika-10 sunod na panalo.

Kumabig si DeMar DeRozan ng 24 puntos, habang kumana si Jonas Valanciunas ng 16 puntos at 17 rebounds para Raptors, isang panalo ang layo para mapantayan ang franchise’s longest winning streak. Hindi pa natatalo ang Toronto mula nitong Feb. 23.

JAZZ 116, SUNS 88

Sa Salt Lake City, ginapi ng Utah Jazz, sa pangunguna nina Donovan Mitchell na may 23 puntos at Rudy Gobert na may 21 puntos at 13, ang Phoenix Suns.

Nag-ambag si Joe Ingles ng 17 puntos, tampok ang apat na three-pointers, habang tumipa si Jae Crowder ng 12 puntos.

Sa iba pang laro, diniskaril ng Denver Nuggets ang Detroit Pistons, 120-113; hiniya ng San Antonio Spurs ang New Orleans Pelicans, 98-93; naungusan ng Chicago Bulls ang Memphis Grizzlies. 111-110; pinabagsak ng Charlotte Hornets ang Atlanta Hawks, 129-117; pinasabog ng Houston Rockets ang Los Angeles Clippers, 101-96;