Mula sa People

HINDI na haharap si Heather Locklear sa korte para sa umano’y pambubugbog niya sa boyfriend nitong Pebrero, ngunit nahaharap pa rin siya sa ilang kaso dahil naman sa pagsugod niya sa ilang pulis na rumesponde sa kanyang bahay.

Heather copy

Haharap pa rin ang aktres sa apat na bilang ng misdemeanor battery sa isang pulis at sa isang kaso dahil sa kanyang paglaban o obstructing sa pulis, ayon sa People.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Hindi pa nagbibigay ng pahayag ang abogado ni Locklear.

Hindi pa sumasagot si Ventura County’s Senior Deputy District Attorney Thomas Dunlevy sa kinahinatnan ng mga kaso, ngunit aniya, nakatakdang humarap sa korte si Locklear sa Martes, ganap na 9:00 ng umaga.

Si Locklear, 56, ay inaresto dahil sa alegasyon ng felony domestic battery ng kanyang boyfriend, si Chris Heisser, sa kanyang bahay sa Thousand Oaks, California, noong Pebrero 25.

Nitong nakaraang linggo, sinuyod ng mga deputy ng Ventura County Sheriff ang bahay ni Locklear para hanapin ang baril na umano’y nakarehistro sa pangalan ng aktres, sabi ni Capt. Garo Kuredjian ng Ventura County Sheriff’s Department sa People.

Wala sa bahay ang Melrose Place star nang magsagawa ng search warrant ang pulisya.

Ayon kay Kuredjian, nag-ugat ang paghahanap dahil sa banta ni Locklear sa mga Ventura County Sheriff’s deputies na dumating sa kanyang bahay noong Pebrero, nang makatanggap sila ng domestic violence call bandang 9:40 ng gabi.

Nakuha ng People ang search warrant at Affidavit of Probable Cause documents na inihanda ni Senior Deputy Sheriff Keith Hall — na ibinatay niya sa pahayag ng on-the-scene sergeant at deputies Nesgis at Alldredge, gayundin sa mga body cam footage.

Ayon sa mga dokumento: “Deputy Alldredge saw that (Heisser) was bleeding from the bridge of his nose and he had redness on his chest,” saad ni Hall sa documents. “(Heisser) told Deputy Alldredge that in the bedroom, Locklear attacked (Heisser) while he was on the bed and he defended himself. He did not know how many times Locklear struck him. Locklear bit his face and described Locklear as being ‘all over’ him for the last 20-30 minutes acting ‘crazy,’ ‘angry,’ and ‘wild.’”