Ni Ador Saluta

MULING magiging aktibo ang Imus Productions na gumagawa ngayon ng action movie na 72 Hours na pagbibidahan ni Jolo Revilla na halos limang taon nang namahinga sa paggawa ng pelikula. 

jodijolo-1220-1 copy

Ang Imus Productions ay pag-aari ng mga Revilla na aktibo sa paggawa ng mga pelikula bago nasangkot sa plunder case si dating Senador Bong Revilla.

Makinig ka Drew! Iya, pagod na umire

Malaki ang pasasalamat ni Jolo sa FPJ’s Ang Probinsyano dahil muling nabuhay ang interes ng mga manonood sa action films.

“Naniniwala kami na dapat makabalik na ang aksiyon dito sa industriya. Nakita naman natin na sunud-sunod na palabas sa telebisyon ang talagang tinatangkilik na ng mga Pilipino,” bungad ni Jolo.  

Bukod sa pagbabalik-pelikula, naghanda rin si Jolo para sa kanyang 30th birthday kahapon, Marso 15.

Bago ang mismong kaarawan, isang selebrasyon na ang ginawa ni Jolo kasama ang kanyang girlfriend na si Jodi Sta Maria.

“Nagpunta kami sa Rosario, Cavite, doon ginawa ang first leg ng week ng birthday celebration ko, isang relocation site siya ng mga galing sa Tacloban,” kuwento ni Jolo. 

Hindi man sinabi kung ano ang regalo ni Jodi sa kanya, sambit ng aktor, “Wala na ako kailangang hilingin sa kanya.” 

Kamakailan ay very vocal na si Jolo na tawaging ‘asawa’ si Jodi kaya tinanong siya kung napag-uusapan na ba nila ang kasalan.

“All I can say is that the right time will come, darating tayo diyan, may hinihintay na lang tayo,” sey ng actor-politician.