MIAMI (Reuters) – Isang bagong tayong pedestrian bridge ang gumuho sa Florida International University nitong Huwebes, na ikinamatay ng apat katao, sinabi ni Miami-Dade County Fire Chief Dave Downey.

Bumagsak ang 950-toneladang tulay sa South Florida dakong 1:30 ng gabi. Walong sasakyan ang natambakan ng gumuhong mga semento at bakal nito, at 10 katao ang naospital.

Ang 174-talampakang haba ng tulay ay nagdudugtong sa unibersidad sa lungsod ng Sweetwater. Itinayo ito noong Sabado sa loob ng anim na oras sa itaas ng eight-lane highway, nakasaad sa website ng unibersidad.

Internasyonal

Misa ng Santo Papa dinumog, halos kalahati ng populasyon ng East Timor, dumalo