Ni Marivic Awitan

TATANGKAIN ng defending cheerleading champion Arellano University Chiefsquad na makapagtala ng back-to-back championship kasunod ng naitala nilang upset kontra 9-time champion University of Perpetual Help System-DALTA Altas Perpsquad sa nakalipas na season sa paglarga ngayon ng NCAA Season 93 cheerleading championship sa Araneta Coliseum.

perpetual copy

Ang Chiefsquad ang itinuturing na pinakamatinding karibal ng Perpsquad -- ang winningest cheerleading team sa liga-- na may hawak ng record na 5-peat noong 2009 -2014.

Tatay kay Karl Eldrew: 'Tahimik mong ipanalo mga pangarap mo, dito kami ng Mama mo!'

Katunayan ang Chiefsquad ang pumutol sa kanilang limang taong winning streak noong 2015 bago muling nagkampeon noong 2016.

Ang kanilang halos flawless at matapang na eksekyusyon na may puso ang mahihirap nilang stunts at pyramids ang nagbigay sa Arellano ng titulo.

At inaasahan ni coach Lucky San Juan na magtatagumpay silang makadalawang sunod sa taong ito.

Bukod sa Perpetual, tiyak ding magsisikap na masingitan ang dalawang koponan ang minsan ng naging kampeong Jose Rizal University Pep Squad at Mapua University Cheerping Cardinals.

Nariyan din ang Lyceum of the Philippines University Pepsquad, Emilio Aguinaldo College Pep Squad, San Beda University Red Corps ,Colegio de San Juan de Letran Lakas Arriba Cheerleading Team, at College of Saint Benilde Pepsquad.

Ang outgoing seasong host San Sebastian College-Recoletos Golden Stags Cheerleading Team na hindi nakasali noong isang taon ay maghahandog ng special performance.

Sina ABS-CBN Sports anchor Andrei Felix at actress Ritz Azul ang magsisilbing host ng kompetisyon.

Kasabay ng kompetisyon ang awarding ng overall champion ng bawat NCAA events ng Season 93 at General Championship na pangungunahan ni outgoing Management Committee chairman Fr. Glyn Ortega OAR ng San Sebastian.