DINAIG ni JRU top player Woman National Master (WNM) Jean Karen Enriquez sina Mariel Batulan (2.5-1.5) at Rowelyn Acedo (1.5-0.5) ayon sa pagkakasunod para pangunahan ang Orbe chess team sa tagumpay kontra sa Hermida chess team sa inilarga ng National Chess Federation of the Philippines (NCFP) ang tinampukang Rage of Angels, isang blitz battle royale tampok ang walong (8) malalakas na lady woodpushers na isinahimpapawid ng live sa You Tube channel ng NCFP nitong Linggo.

SINUBUKAN ni Atty. Cliburn Anthony A. Orbe (kaliwa) ang husay ni Woman National Master (WNM) Jean Karen Enriquez sa warm-up game bago ang torneo.

SINUBUKAN ni Atty. Cliburn Anthony A. Orbe (kaliwa) ang husay ni Woman National Master (WNM) Jean Karen Enriquez sa warm-up game bago ang torneo.

Dumaan muna sa butas ng karayom si Enriquez, dating 2nd place sa National Championships dahil kinakailangan niyang madala sa Armageddon Tiebreakers ang laro niya kay Batulan matapos mag tabla (1-all) sa kanilang two game match-up.

Sa Armageddon Tiebreakers ay pinili pa din ni Enriquez ang puting piyesa na kinakailangan manalo para maka abante sa susunod na laro. Bagama’t kailangan lamang ni Batulan ng tabla mas nakakitaan ng bangis si Enriquez tungo sa tagumpay.

Tatay kay Karl Eldrew: 'Tahimik mong ipanalo mga pangarap mo, dito kami ng Mama mo!'

Sa laban naman kontra kay Acedo na ipinagmamalaki ng Davao City at top player ng Dela Salle University (DLSU) Taft, Manila ay naging mahigpitan din ang laban kung saan napuwersa sa tabla sa Game 1. Sa Game 2 may pagkakataon sanang maitabla ni Acedo ang laro para maghatid sa isang pang Armageddon Tiebreakers pero dahil na din sa kapusan ng oras o time pressure ay naitakas ni Enriquez na ipinagmamalaki ng Marikina City ang tagumpay sa Game 2.

Ipinaliwanag ni tournament director Atty. Cliburn Anthony A. Orbe, treasurer ng National Chess Federation of the Philippines (NCFP) sa magiting na pamumuno nina Chairman at President Surigao del Sur Rep. Prospero “Butch” Arreza Pichay Jr. at 7th District Cavite Rep. Secretary-General Abraham “Bambol” Ng. Tolentino Jr., pumasok sa battle arena si Enriquez, isang 2nd year College sa kursong Information Technology (IT) sa Jose Rizal University (JRU) Mandaluyong matapos matalo si national junior champion WNM Francois Marie Magpily kontra kay Batulan, 0.5-1.5. Si Magpily, top player ng General Pio Del Pilar National High School sa Makati City ang nagpatalsik kay Judie Magro (2-0). Si Judie naman ang tumalo kina April Joy Ramos (2-0) at Justine Raymundo (2-0). Una munang nagwagi si April Joy kay Jellie Magro (2-0).