Ni Annie Abad

OROQUIETA CITY ---- Tinanghal na ‘winningest athlete’ si Chelsea Faith Lumapay ng Tagum City sa nakamit na siyam na gintong medalya sa arnis event ng Philippine Sports Commission-Batang Pinoy Mindanao Leg kahapon sa Misamis Occidental Provincial Athletics Complex dito.

Isa sa 10 events na nilahukan ang nabigong maiuwi ng 10-anyos na si Lumapay sa torneo na nagtatampok sa mga premyadong batang atleta sa buong rehiyon ng Mindanao.

Namayapag si Lumapay sa events na Solo Baston individual, double baston individual, open form invidual, solo baston (non traditional), doble baston (non traditional) open form (non traditional), sparring (mixed event), padded stick (mixed event), at live stick (mixed event). Ang tanging event na hindi niya napagwagihan ang mix event non-traditional kung saan nakamit niya ang bronze medal.

Pambansang Kamao Manny Pacquiao, nag-senti? Ilang netizens, todo-comfort!

“Masayang masaya po ako. first time ko po makakapunta sa Baguio para sa National Finals. Ito po ang ikalawang beses ko sa Batang Pinoy pero ngayon lang po ako nanalo,” ayon sa grade 5 Student ng Magupo Pilot School sa Tagum City.

Si Lumapay ang tanging atleta na nakakuha ng pinakamaraming ginto sa nasabing torneo na inorganisa ng Philippine sports commission (PSC) sa tulong ng host city na Misamis Occidental sa pamamagitan ni Gov. Hermina Ramiro at Oroquieta Mayor Jason Almonte.

Sa medal tally, kasalukuyang namamayagpag ang General Santos City sa pagtangan ng liderato sa pagsungkit ng pinakamaraming gintong medalya sa kabuuang 44 ginto bukod sa 47 silver at 48 bronze para sa kabuuang 139 medalya.

Nakakuha ng karagdagan apat ginto ang General Santos buhat sa pencak silat na naiambag nina Ommar Atong sa tanding teenager boys 39-43kg, Benjamin Zabpitan 51-55kg, Ivan Dumaraya 55-59kgs at Hazel Mar Padilla 55-57 kgs.

Limang ginto naman buhat sa taekwondo ang naidagdag din ng GenSan sa kanilang listahan, 12 sa athletics, anim sa archery, siyam sa swimming at talo sa arnis.

Pumuwesto naman sa ikalawa sa medal tally ang Davao City sa kanilang 43 na ginto, 21 silvers at 16 na bronze sa kabuuang 80 medalya.

Nakasungkit ang Davao ng karagdagang 16 na ginto sa arnis buhat sa kanilang mga pambato na si Khim NyleUbal, John Carl Miguel Arangoso, donald Feb Apas, Eishen Angella Borinaga.

Karagdagang walong ginto ang naitala ng Davao sa athletics, apat sa karatedo, anim sa swimming, dalawa sa karatedo at tig-isa buhat sa tennis at chess.

Ang Zamboanga City naman ay sumungkit ng 38 na ginto, 27 silvers, 36 bronze sa kabuuang 101 medalya, dahilan upang maakupa nila ang ikatlong puwesto sa medal standings.

Karagdagang 11 gintong medalya buhat sa pencak silat kung saan apat dito ay buhat sa kanilang mga pambato na sina Veronica Sagrado na nagwagi sa tanding pre teenager girls 34-37kg, Rio Kissel Ungaya 39-43kg Hannah Seins Leano 43-47kg, Rica Mae Boholst 47-51.

Lima sa siyam na ginto sa archery na naitala ng Zamboanga ay buhat sa 15-anyos na si John Ross De Sosa, 10 sa karatedo, apat sa swimming, tatlo sa athletics at isa sa arnis ang nailista ng Zamboanga City.

Nasa ikaapat na puwesto ang Davao del Norte sa kanilang 33 ginto, 24 na silvers at 34 na bronze, sa kabuuang 90 medalya, habang pumuwesto naman sa ikalima ang Koronadal City sa kanilang 25 ginto, 29 silvers at 32 bronze at may 86 medalya sa kabuuan.