Ni Martin A. Sadongdong

Nagwakas na ang maliligayang araw ng apat na holdaper na bumibiktima ng mga lending company sa Iba, Zambales, nang mapatay sila ng pulisya sa isang shootout kahapon.

Kinumpirma ni Chief Supt. Amador Corpuz, director ng Police Regional Office (PRO)-3, na nilooban muna ng mga suspek ang Lucky 555 lending firm bago sila nakorner ng pulisya.

Nagpanggap, aniya, bilang mga inspector ng Securities and Exchange Commission (SEC) ang mga suspek bago pinasok ang bangko.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Ang naturang lending firm ay pag-aari ng isang Nida Pentinio at Paulien, sa Zone 1, Iba, Zambales.

Papatakas na umano ang apat na holdaper, sakay sa sports utility vehicle (SUV) ni Pentinio nang maharang sila ng nagrerespondeng mga pulis.

Tumagal, aniya, ng kalahating oras ang palitan ng putok.

Hindi pa rin nakikilala ang mga suspek dahil wala silang anumang pagkakakilanlan.

Narekober sa mga suspek ang P50,000 cash, tatlong .45 caliber pistol, isang .9mm caliber pistol, apat na cellular phone, at mga personal na gamit.