Ni LITO T. MAÑAGO

PAGKARAAN ng halos dalawang taong pagiging magkasintahan, ganap nang couple sina Aicelle Santos at Mark Zambrano. 

Naganap ang marriage proposal ng GMA news reporter sa kanyang girlfriend nitong Miyerkules ng gabi sa Straight Up Roofdeck Bar ng Seda Vertis North, Quezon City. 

mMark at Aicelle copy copy

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Ang alam lang ng Kapuso singer/musical theater actress, kakanta lang siya sa isang birthday event sa naturang lugar.

 

Ang nadatnan niyang venue ay napapalamutian ng sunflowers, at nang makalapit ang UK-bound singer sa naka-set up na LED monitor, photo nilang dalawa ni Mark ang biglang lumitaw sa screen. 

Ito na rin ang hudyat kay Mark para lumuhod pagkatapos iabot ang isang tangkay ng sunflowers kay Aicelle. 

“Yes!” ang tugon ni Aicelle sa katanungan ni Mark -- on bended knee -- ng, “Will you marry me?”

Naging saksi sa wedding proposal ni Mark ang kani-kaniyang pamilya at ilang malalapit na kaibigan. 

Sinamantala na rin ng Kapuso reporter ang pagkakataong nasa bansa pa ang kanyang girlfriend.

Nakatakdang lumipad si Aicelle sa ikatlong linggo ng Marso papuntang Manchester, UK para gumanap bilang Gigi Van Tranh sa Miss Saigon UK tour. Kasama niyang aalis sina Joaquin Pedro Valdes at Iroy Abesamis.