Ni Nitz Miralles

SA March 22, ang lipad ni Aicelle Santos for Manchester, England para sa Miss Saigon UK Touring Group at aalis siya ng Pilipinas na “engaged” ang status.

Nag-propose ang boyfriend niya at ngayon ay fiance na si Mark Zambrano nitong March 7. Sa Straight Up Bar na nasa 24th floor ng Seda Hotel Ventris North nangyari ang proposal.

Sa report ni Noel Ferrer sa PEP, sabi ni Mark, “I’ll be on my knees lang. In the middle of a bed of giant sunflowers.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Favorite niya ‘yun, e. And the ring I had made is sunflower design with diamonds.”

Next year pa balak magpakasal nina Mark at Aicelle, tatapusin muna ni Aicelle ang 10-month contract niya sa Miss Saigon UK Touring Group na siya ang gaganap sa role ni Gigi Van Tranh.

Ang ganda ng sinabi ni Lea Salona tungkol sa pagkakapili kay Aicelle para gumanap sa role ni Gigi Van Tranh.

“Love it when good things happen to good people. I had a good feeling you’d eventually go, @aicellesantosme, it was just a matter of time. Now os your time. #MissSaigonFamily #TheFamilyKeepsGrowing.”