Ni NITZ MIRALLES

NAKA-DISABLE ang comment box ni Sharon Cuneta sa quotation card post niyang ito na, “Peace. It does not meant to be in a place where there is no noise, trouble or hard work. It means to be in the midst of those things and still be calm in your heart.”

SHARON copy

Ang caption ni Sharon na quotation card post niyang ito ay “PLEASE...you know what I mean na po. PLEASE. I need my sunshine, not dark clouds...”

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Hindi tuloy makapag-comment ang followers ni Sharon at hindi masagot ni Sharon ang gustong itanong kung may kinalaman ito sa comment niya tungkol sa thanksgiving party na ibinigay ng Star Cinema sa pelikulang Ang Dalawang Mrs. Reyes.

Sa IG ni Judy Ann Santos naka-post ang picture at nag-comment si Sharon ng, “Ang bilis! Kami tatlong buwan bago mag-Thanksgiving party. At si Inang Olive (Lamasan), Ma’am Charo (Santos) at Miss Elma lang ang nando’n! ‘Kala namin nakalimutan na kami. Hahaha. Congrats! Love you and miss you. Arooo kwento mo sa kanila ‘yang sinabi kong ‘yan!”

Ang dating ng comment ni Sharon, parang nagtampo siya dahil wala si Mr. Carlo Katigbak sa thanksgiving party ng movie nila nina Robin Padilla, Julia Barretto at Joshua Garcia na Unexpectedly Yours.

Anyway, may post si Sharon sa mga kaibigan niyang sina Zsa Zsa Padilla, Manilyn Reynes, Carmina Villarroel at Lorna Tolentino. Ikinuwento niya kung paano niya sila naging kaibigan.