Ni Leandro Alborote

RAMOS, Tarlac - Nagsimula na namang umatake ang mga miyembro ng Akyat Bahay gang at biniktima ang isang 48-anyos na babae sa Villa Flora Subdivision, Barangay Toledo, Ramos, Tarlac, kahapon ng madaling araw.

Tinangay ng hindi pa nakikilalang kawatan ang isang laptop computer, na nagkakahalaga ng P20,000; cell phone, P20,000; at P16,300 cash.

Sa pagsisiyasat ni PO3 Michael Labayog, nagising si Helen Palarca para umihi nang mapansin niya ang isang lalaki na nagmamadaling umalis, dakong 4:30 ng madaling araw.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Nagsasagawa na follow-up operation laban sa suspek.