Ni Liezle Basa Iñigo

SAN CARLOS CITY, Pangasinan - Namatay habang ginagamot sa ospital ang isang negosyante nang pagbabarilin sa Barangay Mamarlao, San Carlos City, Pangasinan.

Kinilala ang biktima na si Mark Arwin Rosario, 30, ng Bgy. Palaming, na tinamaan ng bala sa likod at dibdib.

Base sa imbestigasyon, pauwi na ang biktima at sakay sa kanyang Honda Wave motorcycle nang paulanan ng bala, dakong 6:30 ng gabi nitong Lunes.

Probinsya

9-anyos na bata, patay matapos makuryente ng tinatayang 20 minuto

Mabilis na tumakas ang suspek bitbit ang baril na ginamit sa biktima.