OAKLAND, California (AP) — Tila walang epekto kay Stephen Curry ang napinsalang paa.

Simbilis ng kidlat at sintindi ng kulog ang presensiya ng two-time MVP na kumana ng 34 punos tampok ang anim na three-pointer para gapiin ang Brooklyn Nets, 114-101, nitong Martes (Miyerkules sa Manila.

Nag-ambag si Kevin Durant ng 19 puntos at anim na rebounds para sa ikaanim na sunod na panalo ng Warriors mula sa All-Star break.

Nanguna si D’Angelo Russell sa Nets na may 22 puntos.

May cash incentives din; Karl Eldrew Yulo, tumanggap ng ₱500K mula kay Chavit!

Nagtamo ng minor sprained si Curry sa panalo sa Atlanta Hawks nitong Biyernes, ngunit laban sa Nets, hindi ito naging balakid. Umiskor si Curry ng 11 sunod sa 25-0 run ng Golden States para palobohin ang bentahe sa 35-14 sa opening period.

Kumasa rin si Klay Thompson ng 18 puntos, kabilang ang isang three pointer.Kailangan niya ang dalawa pa para marating ang markang 200 o higit pang three-pointer sa ikaanim na sunod na taon at pantayan ang kasanggang si Curry.

Sa iba pang laro, hataw si Anthony Davis sa natipang 41 puntos sa 121-116 panalo ng New Orleans Pelicans kontra Los Angeles Clippers;nagwagi ang Portland sa new York, 11-87;hiniya ng Dallas ang denver, 118-107; nahila ng Houston Rockets ang winning streak sa 16 nang patulugin ang Oklahoma City Thunder, 122-112; nagwagi ang Philadelphia 76ers kontra Charlotte Hornets, 128-114.