Ni Nitz Miralles

IPINALIWANAG ni Neil Ryan Sese sa presscon ng Ang Forever Ko’y Ikaw kung ano ang ibig sabihin niya sa isinagot sa pumanaw na si Direk Maryo J. delos Reyes na “todo na ‘to” nang sabihin nito sa kanya noon na sa bago niyang project, kailangang guwapo at macho siya.

Natatandaan ni Neil na ang sagot niya kay Direk Maryo ay, “Direk, ‘yung maging macho... kaya kong gawan ng paraan. Madali naman mag-gym, eh. ‘Yung maging guwapo... todo na ‘to!”

“Ang ibig kong sabihin ng ‘todo na ‘to’, wala na akong magagawa, hanggang dito na lang ang kaya ko. Natawa na lang si Direk Maryo. Pero talaga, hindi ko in-expect na puwede pala ako sa lead role dahil nasanay ako sa kontrabida roles. Bago ito sa akin at gagawin ko ang lahat para maging kapani-paniwala sa karakter ni Lawrence.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Pangako namin ni Camille (Prats), sasaya at kikiligin kayo araw-araw,” pahayag ni Neil.

Kuwento ni Neil, binigyan siya ng sariling stylist ng GMA-7 na mag-aalaga sa kanyang wardrobe, may personal groomer din siya at ni-reinvent para leading man at hindi contravida ang dating.

Sina Tata Betita at Jojo Nones ang magtutulong sa pagdidirek ng Ang Forever Ko’y Ikaw  na magpa-pilot sa March 12, bago mag-Eat Bulaga.