May 14, 2026

Home BALITA National

'Nothing to worry!' Gov. Vilma Santos, nagsalita na

'Nothing to worry!' Gov. Vilma Santos, nagsalita na
Photo courtesy: Vilma Santos-Recto (FB)

Nagsalita na si Star for All Seasons at Batangas Governor Vilma Santos-Recto na wala raw dapat ikabahala ang publiko sa kanila ng kaniyang asawang si Executive Secretary (ES) Ralph Recto. 

Ayon sa inilabas na video statement ni Vilma sa kaniyang Facebook page nitong Miyerkules, Abril 29, 2026, sinabi niyang nagpapasalamat siya sa lahat ng dasal at pag-aalala ng kaniyang mga tagasuporta para sa kanila. 

“Gusto ko lamang magpasalamat sa inyo na sa inyong pagdarasal, nagwo-worry kayo sa akin,” pagsisimula niya.  

Dagdag pa niya, “Don’t worry… I’m facing some challenges. Depende ‘yan sa mga medyo maligalig.” 

Ani Vilma, alam daw niya at ng mister niyang si ES Ralph na nagseserbisyo sila para sa kanilang mga nasasakupan kaya wala raw dapat ipag-alala ang publiko. 

National

Brawner, pinagtanggol mga sundalo sa Senado; 'di raw nagpaputok ng baril!

“But you don’t have to worry. As long as I know deep in my heart, we know that deep in our heart kasama si ES, that we are serving our people from the heart, nothing to worry,” aniya. 

Buwelta pa ni Vilma, hindi raw nila kayang pakiusapan ang lahat pero sanay na raw sila sa mga katulad ng taong tinawag niyang “maligalig.” 

“You cannot please everybody. Dumb if you do, dumb if you don’t. But sanay na kami diyan. Thank you for all your prayers,” diin niya. 

Pagpapatuloy pa niya, magiging parte raw sila ng solusyon para lutasin ang isang problema upang mas maging maganda at positibo pa ang mga darating na araw sa bansa. 

“Katulad ng lagi kong sinasabi, let’s not be part of the problem, let’s all be part of the solution para sa ikakaganda pa, ikakapositibo ng mga darating na araw pa para sa ating bansa,” pagtatapos pa ni Vilma. 

Samantala, bagama’t walang partikular na binanggit na pangalan si Vilma, matatandaang isiniwalat ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste noong Abril 24, 2026, na hindi umano nabigyan ng ayudang ₱200,000 ang ilang mga barangay sa Batangas dahil sa pagtatampo umano ni Vilma.

Aniya, aabot daw sa 84 na mga barangay sa Batangas ang hindi nakasama sa nabigyan ng ₱200,000 dahil sa pagpigil ng ilang mga politiko.

KAUGNAY NA BALITA: Gov. Vilma Santos nagtampo, ‘di binigyan ng ₱200K ilang barangay sa Batangas—Rep. Leviste

KAUGNAY NA BALITA: Palasyo, nagkomento sa mga barangay na 'di naambunan ng 200K sa Batangas