Ni Nitz Miralles

PANALUNG-PANALO ang photo na ito ni Nadine Lustre na kita ang puno ng kanang hita at nasisilip ng konti ang singit. Kasama ang picture na ito sa series of photos na kuna ng photographer na si Andrei Suleik para sa Omega.

Nadine copy

May isa pang photo si Nadine na nagpasilip ng right boobs, pero itong “singit picture” niya ang mas pinagkaguluhan ng netizens. Natuwa ang fans ni Nadine dahil pinatunayan sa picture na sexy siya, pero may mga bashers din na kung anu-ano lang ang comments, mema o me masabi lang.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Gaya ng nasulat na namin, disabled ang comment box ng Instagram account ni Nadine, kaya hindi niya nababasa ang pamba-bash sa kanya. Sa ibang blog at pati nga sa IG ng photographer, sumugod ang bashers ni Nadine, pero dedma na ang dalaga sa haters at bashers niya.

Sa isip lang siguro niya, “pakialam ko sa inyo.”