DAHIL sa magandang pangangatawan, hotness overload ang ginawa ni Ruru Madrid sa huling gabi ng Pebrero sa ipinost sa Instagram na kuha sa shower scene ng primetime series na Sherlock, Jr.
Makikita sa IG account ng Kapuso heartthrob ang kanyang topless photo with the cute dog Serena.
Umani ng mahigit sa 30,000 likes sa image-sharing platform ang hot photo ni Ruru. Sunud-sunod din ang comments ng netizens tungkol sa photo.
To see more of Ruru, huwag magpapahuli sa kaabang-abang pang mga eksena sa Kapuso Primetime series na Sherlock, Jr. gabi-gabi sa GMA Telebabad.