Ni NITZ MIRALLES

PARANG hindi na naghihiwalay sina Rayver Cruz at Janine Gutierrez dahil kapag walang trabaho ang isa sa kanila, lagi silang magkasama. Pati sa tinawag ni Janine na “Home videos on a Saturday night” na kasama nila sa panonood ang lola ni Janine na si Pilita Corrales, amang si Ramon Christopher, titang si Jackielou Blanco at mga kapatid, kasama pa rin nila si Rayver.

janine

Old video na kuha noong bata pa si Janine at mga kapatid ang pinanood ng grupo sa bahay yata ni Pilita sa BF Homes. Ang talas ng mata ng JanVer fans dahil nakita agad na nakahawak si Rayver sa braso ni Janine.

Tsika at Intriga

Doc Willie Ong, napatawad na ba mga bagets na nam-bash sa kaniya noon?

Anyway, abangan natin kung magkakatoo ang hula ng Kapuso viewers na parang isa si Janine sa magiging leading lady ni Alden Richards sa Mitho. Last Friday kasi, na may meeting sa GMA-7 para sa casting ng fantaserye, may meeting din sina Janine at manager niyang si Leo Dominguez para sa new show ni Janine sa network.

Kahit umaga ang meeting nina Janine at Leo at hapon ang meeting para sa Mitho, may mga naniniwala na para sa Mitho rin ang meeting ni Janine at ng kanyang manager.

Samantala, hit sa netizens na milllennials ang cover ni Janine ng March issue ng Preview magazine na iba’t ibang swimsuit ang suot, from one piece to two-piece na design ni Aven Bacudio.

Positive ang comments ng followers ni Janine pati celebrities at ikinumpara siya sa foreign celebrities na sina Selena Gomez, Mila Kunis at Kylie Jenner. Tinawag nga siyang “Kylie of the East.”