Ni REGGEE BONOAN

PINANININDIGAN ni Yassi Pressman na trabaho ang prayoridad niya at wala siyang panahon sa love life para hindi masayang ang mga oportunidad na dumarating sa kanya.

SAM AT YASSI copy copy

Kaya kahit harapang inamin ni Sam Milby na may crush ito sa kanya, sa presscon ng Ang Pambansang Third Wheel nitong Huwebes, napangiti lang ang dalaga.

Relasyon at Hiwalayan

Jak masaya pang sinalubong ang 2025; netizens, napansing iba ang kasama niya

“Wala pa po ang mindset ko sa ganu’n ngayon kasi tuluy-tuloy pa rin po ang taping namin sa Ang Probinsyano kaya rin po natagalan bago namin ilabas itong pelikula so, hindi pa po siguro ngayon,” katwiran ni Yassi.

Lumalabas na binasted na agad ni Yassi si Sam nu’ng sinabihan siyang, ‘Crush at type ko siya.”

“Hindi naman po sa ganu’n, giver po kasi ako, gusto ko po kasi now, 100% ang ibibigay ko sa family ko; sa work ko po, 100% din, so ‘pag nagmahal ako po ako ngayon, baka mahati, eh, gusto ko buong 100% din ang maibibigay ko sa,” paliwanag ng dalaga.

So, pagkatapos ng assignment niya sa FPJ’s Ang Probinsyano, tanong namin, puwede na siyang ligawan?

“Hindi ko po masabi kasi as of now po talaga ay wala kaming alam kung hanggang kailan ang show ‘tapos may gagawin pa po ulit akong movie sa Viva po ulit. So wala po akong ma’sagot pa -- at hanggang kailan po ba matatapos ang Probinsyano?” natatawang sabi ng aktres.

Walang ideya si Yassi kung hanggang kailan eere ang aksiyon serye ni Coco Martin.

“Hindi ko po alam kasi depende po yata sa ratings or sa management po.”

Hirit namin, naka-block na ang lahat ng artista hanggang Hunyo o Hulyo, na nalaman namin kamakailan sa big boss ng Dreamscape Entertainment na si Mr. Deo Endrinal.

“Hindi ko po alam kung ano na ang final, kasi sa ngayon sobrang happy kami sa response at marami pa kaming nakaplanong kuwento,” saad ni Yassi.

Diretso naming itinanong ang balitang “sila na” ni Coco.

“Ha-ha-ha, sino po nagsabi? Hindi po ‘yun totoo. Saka mabait lang po talaga si Coco sa aming lahat, sa ngayon po close kami ni Coco at hindi naman siya nagbago ng pakikitungo sa amin.”

Hmmm, may nabago na sa tawag ni Yassi kay Coco, ah? Dati kasi, noong bago pa lang siya sa aksiyon serye, ‘kuya’ ang tawag niya sa aktor. Ngayon, ‘Coco’ na lang?

Anyway, ano ang ibig sabihin ‘third wheel’?

“Ang isang third wheel po ay isang taong laging kasama ng couple friends or kung saan man siya napapasama kasi wala siyang natatawag na sarili niyang love, kaya sumasama siya sa barkada niya at siya ang taga-decide kung saan kakain, taga-picture ng couple photos, siya ‘yung laging naghihintay lang ng sarili niyang love. Magkaiba po ‘yung third party sa third wheel,” paliwanag ng aktres.

Naging Pambansang Third Wheel si Yassi sa pelikula nila ni Sam dahil lagi na lang siyang third wheel sa mga kaibigan niyang may partner at kapag nai-in love ay nauuwi sa wala ang relasyon niya. Nang makilala na niya si Sam ay napakasaya niya dahil hindi na siya magiging third wheel, pero mali siya dahil may anak na pala ito.

‘Kaaliw ang trailer ng Ang Pambansang Third Wheel lalo’t malakas ang chemistry nina Sam at Yassi. Kaya kung sakaling hindi na sila busy pareho sa kanilang career ay perfect combination sila as lovers.

Ang pelikula ay idinirehe ni Andrew Ivan Payawal prodyus ng Viva Films at line produced ng IdeaFirst Company.

Mapapanood na ito sa Marso 7.