Ni Mina Navarro
Ipinagmalaki ng Bureau of Customs (BoC) na lumagpas ang nakolekta nito sa target na kita para sa Pebrero nang makakalap ng P1.965 bilyon, habang ang karamihan sa mga port ay nahigitan din ang kani-kanilang target goal.
Sa mga ulat na tinanggap ni Customs Commissioner Isidro Lapeña mula sa Financial Service ng BoC, nakakolekta ang kawanihan ng kabuuang P43.674 bilyon kumpara sa target na P41.709 bilyon. Ito ay P12.82 bilyon, o 41.5 porsiyentong mas mataas kaysa P30.854 bilyon koleksyon sa katulad na panahon noong 2017.
Ang pagtaas ng koleksiyon nitong Pebrero ay isinasaalang-alang sa pinahusay na koleksiyon ng karamihan sa mga port ng BoC, kabilang ang Manila International Container Port (MICP), Port of Manila (POM), at Batangas.
Ang MICP ay nakakolekta ng P13.438 bilyon, tumaas ng 4.49% sa P12.861 bilyon target collection,
P6.529 bilyon ang sa POM kumpara sa target na P6.27 bilyon, habang P9.982 bilyon ang nakolekta ng Port of Batangas.