Kinakiligan ng mga netizen ang tila pasimpleng pag-flex ni Kapamilya star Daniel Padilla sa kaniyang girlfriend na si Kaila Estrada, sa latest Instagram post niya nitong Sabado, Mayo 30.
Nagbahagi kasi si DJ ng random photos, kabilang na rito ang picture ng rumored girlfriend.
Makikita sa larawan si Kaila habang nakaupo sa loob ng isang golf cart, na nasa isang malawak na golf course. Kahit na nakasuot siya ng hat at black shades, recognizable pa rin ang nabanggit na aktres na nakasama ni Daniel sa action series na "Incognito." Nakaharap siya sa camera habang nakangiti.
"There is no ifs, woulds, coulds , shoulds. Its just is. And we just are," mababasa naman sa caption ni Deej.
Sa comment section naman ng post, mababasa ang komento ng half-brother ni Kaila na si Luigi Muhlach.
Si Luigi ay anak nina Aga Muhlach at Janice De Belen, na nanay naman ni Kaila. Si Kaila, anak naman nina Janice at dating mister na si John Estrada.
Tila kinantyawan naman ni Luigi ang kaniyang half-sister.
"Yung isa panay gallery," sey ni Luigi na may matching laugh emoji.
Nag-reply naman dito si Daniel ng "HAHAHAHAHAHAHAHAHA" at pati na rin si Kaila ng emoji na "face with tears of joy."
Photo courtesy: Screenshot from Daniel Padilla/IG
Matatandaang si Luigi rin ang tila nagkumpirma sa kung anuman ang estado ng relasyon nina Daniel at Kaila matapos niyang tawaging "bayaw" si Daniel.
Maki-Balita: Luigi Muhlach, tinawag na bayaw si Daniel Padilla
Sa kabila nito, hindi pa rin umaamin o kinukumpirma ng dalawa ang tungkol sa kanilang relasyon, na nagsimulang umingay noong 2025, matapos ang pagsasama nila sa Incognito.
Maki-Balita: Kaila Estrada, tinutukso kay Daniel Padilla?
Maki-Balita: Daniel Padilla, Kaila Estrada mag-jowa na, ispluk ni Ogie Diaz
Sa panayam ni ABS-CBN showbiz news reporter MJ Felipe kay Daniel, hindi niya direktang inamin ang tungkol sa kanilang dalawa ni Kaila.
Maki-Balita: Ayaw magpaka-showbiz! Daniel Padilla, naurirat kung may jowa na
Samantala, ang ex-girlfriend naman ni Daniel na si Kapamilya superstar at Outstanding Asian Star Kathryn Bernardo ay nali-link naman kay Lucena City Mayor Mark Alcala, na hindi pa rin nagkukumpirma sa kanilang real score.